LGBT Total Entertainment Blog
Help us grow and send in your own stories and contributions to: pinoylgbtlovestories@gmail.com

Sunday, March 29, 2015

STORY: Si 'First" Sana Ang Last (UPDATED - NEW CHAPTERS)



By: Loop Kenon

Sabi nila bawat isa sa atin may nakatadhana na makasama habang buhay, pero paano mo malalaman kung iyong taong nakasama mo na dati o iyong makikilala mo palang ay ang nakatadhana sa iyo......


Chapter 1: Pangit Daw Ako!

Rocky POV

7am ng umaga kaka out lang sa isang bar na pinapasukan sa Timog. Sumasakit na naman ang mga braso ko sa bigat ng mga tray na sini-serve ko sa mga customer buong magdamag......

85 unread messages! woooh parang ilang oras ko lang hindi nahawakan ang cellphone ko, sigurado ako mga GM/group text lahat ito. Maswerte na kung may 5 text message doon na para talaga sa akin. GBM o 'GwapingsBiManila" ang tawag sa grupo o clan na sinalihan ko, siguro isa sa mga dahilan kung bakit naisipan kung sumali eh para makakilala ng mga taong tulad ko at syempre dahil alam ko lahat ng member ay gwapo. Ako nga pala si Rocky, 23 years old taga Quezon City...isang waiter, 2nd year lang sa college ang natapos ko buti nalang kahit papaano related sa course ko na HRM ang trabaho ko ngayon. Dahil sa hirap ng buhay kailangan muna tumigil at magsimula ng magbanat ng buto, 5'10 ang taas ko at medyo may kagandahan ang katawan dahil batak sa trabaho at paminsan minsan na pagbubuhat sa gym kasama ang mga kaibigan. Naniniwala akong gwapo din ako , sabi nila kamukha ko daw si Jericho Rosales pero mestizo. Kaya  medyo nakarami narin ako ng girlfriend noon pero hindi ko pa nasubukan magka bf. Isa narin iyon sa dahilan kung bakit ako sumali sa clan at baka sakaling makilala ko ang "the first" ko.

Dalawang linggo palang akong member kaya iilan palang ang personal na nakakatxt ko. Hindi parin ako nakakadalo o nakakapunta sa mga GEB / Grand Eyeball ng grupo. Actually last warning ko na ito, pag hindi pa daw ako pupunta sa susunod na GEB, terminated na ako.  Kahit wala pang nakakakita sa akin ng personal minsan naging topic narin ako ng GM ng clan. Dakilang isnabero daw ako at masyadong feeling gwapo, yun iba naniniwalang hindi ako gwapo kaya daw hindi ako pumupunta sa mga GEB ng grupo. Aaminin ko, madalas isnabero talaga ako lalo na doon sa mga 1st time mag text sa akin, hindi ko lang cguro trip mag reply o dahil lang hindi ako interesado o baka naman hindi nila nakukuha yun atensyon ko sa bawat text nila. Paulit ulit nalang kasi puro "hi" at "hello" walang bang bago? wala ba yun unang text palang ay mapapansin ko na. Pero ang totoo nag iingat lang ako baka may makakilala sa akin at dahil wala pang nakakaalam sa pinagdadaanan ko.

Alas dose ng tanghali, katatapos ko lang mag lunch at maya maya mag aayos na para matulog dahil 8pm ang pasok ko sa bar ng biglang tumunog ang cellphone ko. Walang name na nagregistered, number lang naiisip ko bagong member ng clan ito. Wala na sana akong balak basahin ng hindi sinadyang ma open ko. Nagulat ako sa nabasa ko, hindi ko alam kung maasar o matatawa ako....

Pangit! Pag hindi ka busy text text tayo.... Paul 25 Makati

Pangit ka rin! reply ko

Wow...nag text back sya oh, hindi naman pala totoong isnabero....salamat sa reply Rocky
At kilala mo talaga ako? Stalker ba kita o matagal ka ng may pagnanasa sa akin.... biro ko sa kanya...

Ah ganun ba? Baka ikaw ang hindi makapagpigil pag nakita mo ako sa personal! pagyayabang niya....

Bigla akong naging interesado sa taong ito ah....ano kaya itsura nya? Sino kamukha nyang artista? mukhang mapipilitan akong makipag EB ngayon. Gusto ko pa sanang makatext siya pero kailangan ko ng matulog at may pasok pa mamaya...

Paul...pasensya na ha! tulog muna ako may work pa mamayang 8pm eh..Maya na tayo magkulitan ha? Wala ng energy eh! Salamat sa text

Aw...sorry! Naistorbo pa yata kita...sige tulog kana at salamat sa pag reply" text niya...

Sweet dreams PANGIT....hehehe, sinadya ko yan para siguradong magtetext ka ulit...pahabol na text niya...

6 PM biglang nag ring ang cellphone ko.....may tumatawag....

R: "Hello! Good Evening! Sino ito?" (dahil number lang ulit ang nagregister sa phone ko)

P: "Pangit! Si Paul ito....ouch.... Sakit sakit naman nakalimutan mo agad ako"....(boses na akala mo'y umiiyak)

R: "Baliw...malamang hindi ko pa na save number mo...kanina lang kaya tayo nagkatext....oh! bakit ka ba napatawag...." (bumangon na sa kama, inayos ang higaan at papunta sa cabinet para mag hanap ng masusuot)

P: "Ganun ba...hehehe... tumawag talaga ako para magising ka at sabi mo may pasok ka ng 8pm... 6pm na kasi at wala ka pang text kaya naiisip ko tulog ka pa kaya tumawag na ako para gisingin ka at baka ma-late ka....uy wag kalimutang kumain bago pumasok at ingat sa byahe mamaya at gabi na...."

Bigla akong natahimik...hindi agad nakasagot....sabay napangiti....biglang may kung anong kurot sa puso ang naramdaman ko... (tuloy lang sa pag ngiti at natulala sa mga damit sa cabinet)

P: "Hello....hello...Pangit... nandiyan ka pa?"

R: (bigla nagulat at nabitawan ang cellphone) "Ah! Oo! nandito pa ako...."

P: "Ouch!  sakit sa tenga nun! ano nangyari sa iyo?"

R: "Wala naman, nabitawan ko lang cp ko at namimili kasi ako ng susuotin...Uy salamat sa tawag....prepare na muna ako..."

P: "Sige lang....yun bilin ko ha! Wag kalimutan ha....mamimiss ko text mo....bye Pangit ko!"
R: (hmmmpp.. PANGIT KO?) "OK sure....bye...."

Teka lang, parang ilang oras palang kami magkatxt nun mokong na iyon ha. Parang may mali dito. Hindi ko alam kung ano ang plano nun Paul na yun, pero kung nakikipag flirt siya....sige lang saksakyan ko lang siya....makikipag sabayan ako...

Sa Bar

2am ang scheduled break ko, nakakapagod na gabi at sobrang daming customer kaya medyo sumakit ang ulo ko. Pumunta ako sa locker room para kuhain ang cellphone ko bago ako pumunta sa carinderia sa labas para kumain. Haay! 57 unread messages, hindi ko talaga hilig magbasa ng mga GM, message deleted agad except syempre sa mga personal messages. Parang nalungkot ako nun wala akong nakitang text mula kay Paul. "Naku Rocky dahan dahan lang hindi mo pa kilala masyado yun tao na yun" sigaw ng isip ko. Pero hindi naman talaga si Paul ang namiss ko, yun text nya. Ngayon lang ulit kasi may nagtitext sa akin ng mga ganun. Pakiramdam ko importante akong tao at hindi ako nag iisa.

Matagal tagal narin pala akong single. Dalawang taon na ang nakakaraan nun nagkahiwalay kami ng huli kong girlfriend. Ako mismo ang nakipaghiwalay sa kanya dahil nararamdaman kong parang may mali sa pagkatao ko. Parang may ibang bagay na magpapasaya sa akin. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo dahil kahit ako hindi parin sigurado. Pilit ko parin hinahanap ang sarili ko. Hanggang ngayon nag aantay parin ng mga sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Nagdesisyon din muna akong bumukod sa family ko, noong una nag dalawang isip ako pero sa huli mas naniwala akong mas madali lahat pag bumukod ako. Nag rent ako ng maliit na kwarto malapit sa work yun walking distance lang kaya yun natitipid ko before sa pamasahe sa rent nalang napunta.

"Kapatid! Bakit parang ang lungkot mo yata....may problem ba?"

Isang boses ang narinig ko sa likuran sabay akbay sa balikat ko. Si Francis pala ang Bar Manager namin, siya yun una kung napalagayan ng loob sa work. Likas na mabait talaga itong bossing namin, pag wala sa work parang magkapatid lang ang turingan namin. Gwapo din itong si Francis, moreno at nasa 5'11 ang taas. At ang katawan pwedeng pang model palibasa maliban sa pagiging manager, laman din ito ng iba't ibang bikini contest at male pageant.

R: "Ah! wala kapatid, sumakit lang ulo ko dami ng mga customers kanina"

F: "Hanggang ngayon ba hindi ka parin nasasanay? Akala ko nga may nag text sa iyo ng hindi maganda kasi nakita ko mas nalungkot ka nung hinawakan at tiningnan mo ang cellphone mo"

R: "Wag mo pansinin yun, walang kinalaman yun cp ko bakit wala ako sa mood ngayon"

F: "Oh, sige balik na ako sa floor ha..teka mag isa ka lang kakain ngayon?"

R: "Oo...solo lang ako...paisa isa lng break namin..alam mo naman sa dami ng customer hindi pwedeng sabay sabay diba? Maya sabay tayo mag out ha..libre mo ako lugaw dun sa kanto, laki na ng utang mo sa akin...hehehe"

F: "Sige yun lang pala para makapag usap naman tayo ng matagal at ang dami mo ding utang na kwento sa akin"

Punong puno ang carinderia, kailangan ko munang tumayo at mag antay ng matatapos para makaupo. Nang biglang nag vibrate cellphone. Nag text si Paul, pero 2am na...gising pa ang mokong na iyo....

P: Good Morning Pangit...siguro break mo ngayon, kain ka madami at wag masyadong magpapaka pagod. Text ka lang pag hindi kana busy... :)

Hala! Paano niya nalaman na break ko at saktong sakto naman ang text niya dahil grabe na ang pagod ko ngayon. Sino ba itong Paul na ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

R: At bakit gising kapa? Paano mo nalaman na break ko ngayon? At bakit alam mo rin na pagod ako? Sino kaba talaga? Kilala mo ba ako? Nasan ka ngayon?

P: Grabe naman ito makatanong, sunod sunod. May mali ba akong nasabi?

R: Sagutin mo mga tanong ko...

P: Ok...nagising ako para mag wiwi...tapos dahil past 2am na naisip ko baka break mo kasi 8pm start ng work mo. Hindi ko alam kung ano at saan ka nagtatrabaho pero yan pagod na yan, normal sa lahat ng trabaho. Ako si Paul, clanmate mo at bagong friend. Hindi kita kilala personally pero gusto kita makilala...at ito nakahiga sa kama, nasa kwarto... OK naba mga sagot ko?

Biglang nawala ang kaba ko, masyado ko lang tinakot ang sarili ko. Tama! bakit ko naman pag iisipan ng kung ano ano si Paul, eh hindi pa nga kami nagkikita.

R: Good....teka lang...pwede bang tigilan mo na kakatawag sa akin na pangit konti nalang maaasar na ako.....

P: Ganun ba? Sorry.... memorable kasi yang salita na yan. Dahil dyan napansin mo ako. Naisip ko lang baka bukas o sa isang araw hindi kana mag text sa akin. Kaya para mapansin mo ako paminsan minsan tinatawag kitang pangit.

R: Hindi na kailangan... Nakakatext na kita diba? At ikaw palang yata ang nakapalitan ko ng text ng matagal.

Ano bang special sa tao na ito at sa dinami dami ng member ng clan na nagtitext sa akin eh siya na itong nakakatext ko ngayon. Naisip ko tuloy kung hindi siguro ako naging isnabero dun sa iba mas marami ng nagtitext sa akin ng gaya ng pagtitext ni Paul. Pero bakit parang apektadong apektado ako sa bawat text ni Paul. Siguro dahil 1st time na isang lalaki ang nagsasabi sa akin ng mga bagay na iyon. Pero alam kong hindi ako pwedeng mahulog sa kanya, text lang lahat yun. Kung ito'y isang laro "ANG MA-INLOVE TALO"

6am na kami nakalabas ng bar at sakto nakita ko si Francis nag aabang sa labas. Naalala ko papalibre pala ako sa taong ito.

R: "Kapatid...kanina kapa nag aantay dyan?"

F: "Sakto lang...saan mo gusto kumain? Tara doon tayo sa bagong bukas na tapsihan. Ako ang bahala, sagot ko lahat..."

R: "Wow....dami mo yatang pera ngayon ha...eh sa isang linggo pa ang sweldo natin ha...tsk tsk tsk...sinong bakla na naman ang nabiktima at nauto mo?"

F: "Tarantado! Walang ganun...nun isang gabi may sinalihan akong biniki contest at syempre ako ang nanalo. Teka tingnan mo ito yun mga picture ko" (sabay kuha ng cp sa bulsa at inabot sa akin)

Kinuha ko ang cellphone nya at agad pumunta sa gallery. Pag bukas bumungad agad sa akin ang larawan nya na halos hubad na. Isang manipis na puting underwear lang ang suot na halos bakat na bakat ang semi erect na alaga niya. Full package talaga itong si Francis, maganda ang katawan, gwapo, matalino at higit sa lahat malaki ang alaga. Kaya lagi itong panalo sa mga sinasalihang contest.

Mukhang napasarap ang titig ko sa picture niya kaya hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng tapsihan at kanina pa pala niya ako tinatanong kung ano gusto kong kainin.

F: "Akin na nga yan cellphone ko at kanina mo pa tinititigan ang hubad kong larawan...parang may malisya na ang mga tingin mo kapatid eh...hahaha"

R: "Sira ulo.....tapsilog sa akin..scramble egg at extra rice..."

F: "Hindi kaba nagsasawa sa tapsilog...baka hotdog gusto mo?" (sabay hawak sa harapan niya at ngumiti na akala mo ay nang aakit)

R: "Tigilan mo nga yan.... nakakadiri ka..." (sabay sipa ng mahina sa binti nya)

F: "Biro lang iyon...Tara order na tayo...hanap ka ng ma uupuan at ako na pupunta sa counter"
Umupo kami malapit sa may aircon, biglang uminit ang pakiramdam ko dahil yata sa mga picture at sa pabirong pang aakit nya. Hindi alam ni Francis ang pinagdadaanan ko ngayon, wala rin akong balak sabihin baka biglang layuan ako. Maya maya dumating na ang order namin at sabay na kaming kumain. Biglang tumunog ang cellphone at si Paul nag text....

P: Good Morning Rocky ko....ingat pag uwi at huwag kalimutang mag breakfast.

R: Good Morning Paul ko (oopps ginaya lang kita hehehe) tapos na work, kasama ko boss/friend ko breakfast kami...ikaw din kain ka before pumasok sa work.

Napansin yata ni Francis na todo ang ngiti ko habang nagtitext....

F: "Sino yun katext mo? At sobra ang ngiti mo...new gf ba? bakit hindi ko alam yan....hmmmp... naglilihim kana sa akin kapatid ha..." (biglang lungkot lungkotan ang itsura)

R: "Loko....single parin ako...bagong kaibigan yun...ang aga aga nag sesend ng mga jokes...."
Tuloy kami sa pagkain habang tuloy din sa kwentuhan....Dapat magkasama kami ni Francis sa bahay para mas makatipid daw ako pero hindi ako pumayag sabi ko mawawalan ako ng privacy pero ang totoo natatakot ako baka makahalata siya na may nagbabago sa pagkatao ko.

Natapos kami kumain pero bago kami maghiwalay may inabot siyang 2,000 sa akin. Sabi niya balato ko daw pero ayaw kong tanggapin at pilit kong binabalik sa kanya.

Dahil ayaw niyang kuhain sa akin pilit ko itong ipinapasok sa bulsa niya. Iwas siya ng iwas habang tawa ng tawa ng biglang hindi sinasadyang masagi ko ang harapan niya. Naramdaman ko matigas ito at napansin ko din na bumubukol ito sa pantalon niya. Pero hindi ko iyon pinansin at pilit ko parin inaabot ang bulsa niya ng bigla itong nagsalita....

F: "Isang sagi mo pa kapatid at pag tuluyan itong nagalit ikaw magpapa amo sa alaga ko....."

Bigla akong tumigil at nagsabi nalang ng "thank you" sabay tago ng pera. Inantay ko siyang makasakay ng taxi bago ako naglakad pauwi. Alam kong may pagkapilyo itong si Francis pero parang may iba sa kinilos niya at bakit parang sa akin nakatuon lahat ng biro niya.


Chapter 2: Maling Akala


Sandali lang na lakaran nakauwi narin ako pagpasok ko ng kwarto agad akong nag text kay Paul...

Bahay na ako...Maya maya sleep narin....ingat diyan sa work....text ka lang pag hindi kana busy......

Naging madalas ang pagtitext namin ni Paul...gusto nya sana tumawag pero sabi ko mas gusto ko text para may record ako ng usapan at pwedeng balik-balikan. Natuto narin akong magpaka sweet kay Paul, sa text lang naman eh..walang mawawala wag lang tuluyang ma iinlove dahil sa huli tiyak ako ang kawawa.

Iba-iba ang pinag uusapan namin ni Paul, pero madalas puro kulitan at pa sweet lang. Sa totoo lang wala pa akong alam sa personal na buhay nya. Ako lang madalas ang nagkukwento sa kanya ng buhay ko. Minsan natatanong ko sya pero alam ko pilit niyan iniiwas ang sarili na sagutin ito. Napaka misteryoso ng tao na ito, kahit itsura ayaw sabihin. Minsan tuloy naiisip ko tao ba ang ka text ko o baka naman multo ito....hahaha

R: Paul kwento ka nga ng tungkol buhay mo....ung tungkol sa pamilya mo, san ka nag aral at ano natapos mo, saan work mo at yun tungkol sa love life mo.....

P: Ayan na naman ang sunod sunod na tanong mo. Sabi ko, pag nagkita na tayo doon ko lahat ikukwento sa iyo, lahat lahat....

R: Kelan ba tayo magkikita?

P: Ikaw! Kelan mo gusto?

Magkahalong kaba, takot at pananabik ang bigla kong naramdaman. Alam ko malapit na kaming magkita nitong mokong na ito at depende ito sa isasagot ko. Naisip ko bigla, close ang bar sa susunod na weekend dahil sa regular maintenance at pest control. Kaya agad agad akong nag suggest kung kelan kami pwede magkita.....

R: Sa sabado tol...wala kaming pasok... Pwede tayo magkita kung pwede ka at kung gusto mo talaga akong makita.

Medyo natagalan ang reply niya, naisip ko tuloy wala talagang chance na magkita kami o ayaw talaga nyan makipagkita sa isang gaya ko.

R: oh...bakit hindi ka sumagot, sige na kita na tayo libre kita food, pero jolibee lang ha... (pahabol na text ko sa kanya baka sakaling pumayag na siya)

Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan na namin magkita sa Sabado, kung hindi iyon matutuloy baka tuluyan na talagang hindi kami magkita at hanggang textmate nalang talaga kami. Gabi na nun nag reply siya....

P: Rocky....pasensya na super late reply, kailangan ko kasing ayusin ang schedule ko this Saturday para matuloy tayo. Yes tuloy tayo.....at hindi mo na ako kailangan ilibre ako na bahala doon....7pm tayo ha, Greenbelt 3 sa Makati...OK lang ba?

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa nun nag confirm siya na tuloy kami sa Sabado. Hindi ko mapaliwanag yun saya at sa wakas makikita ko na siya. First time kong makikipag meet sa kapwa ko lalaki kaya sobra ang excitement ko at si Paul pa ang una kong makikita. Parang gusto ko ng mag Sabado agad para makasama ko na siya.

R: Sure....sa Sabado ha...walang bawian yan at wag na wag kang hindi sisipot at uupakan talaga kita....

R: Teka tol, wag masyadong magpaka gwapo ha....baka ma in-love ako sa iyo....

P: Don't worry pupunta ako...Teka mas kailangan ko palang magpa gwapo para masiguro kung ma iin-love ka sa akin. Mahirap na marami akong kaagaw sa clan....

R: Hala! May ganun talaga....kulit...

P: Oh "rocky ko" tulog na tayo, uy tulog na ha...baka may gawin kapa...goodnight..

R: Hehehe..cge sleep na tayo...salamat sa mga text ha... Goodnight din...

Halos 2 oras na akong nahiga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Ang daming pumapasok sa isip ko sa nalalapit na pagkikita namin ni Paul. Puro tanong na masasagot lang sa araw na magkaharap kami. Lintik naman kasi iyong mokong na iyon wala talaga akong idea kung anong klasing tao siya at ano itsura nya. Pero kahit ganun parang kampante ako na magiging ok lahat. Bahala na basta ang alam ko lahat ng sinabi ko tungkol sa akin totoo. Kung ayaw nya sa isang tulad ko siguro matagal na kaming hindi nagkakatext pero ito kami malapit ng magkita. Ibig sabihin tanggap niya ako kung ano ako ngayon at kung ano meron ako. Pero teka eh paano iyon tungkol sa kanya? Bahala na.....

Araw ng Sabado....

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, maaga ako nagising kasi kailangan ko pang magpagupit at mag ayos ng susuotin ko. Sa totoo lang hindi ako mapormang tao, simple lang ako manamit, ang importante kumportable ako at tama sa lugar at okasyon ang suot ko.
Wala pang text ang mokong, siguro tulog pa kaya ako na ang unang nagtext..
.
R: Good Morning Paul....see u later....excited na ako sobra kahit hindi ko alam paano kita makikilala mamaya..kain breakfast pag gising. Pagupit lang ako para gwapo mamaya...hehehe

5PM nagsimula na akong mag ayos at ihanda ang sarili. Agad akong nagpunta sa banyo para maligo. Habang nagsasabon ng hubad na katawan hindi parin maalis sa isip ko kung ano ang itsura ni Paul. Matangos ba ang ilong nya? singkit ba sya? mapula ang labi? maputi ba siya? matangkad? maganda ang katawan?.....Nang bigla kong naramdamang tinitigasan ako, nagulat ako at ngayon ko lang naranasan tigasan habang nag iisip ng kapwa ko lalaki. Natawa na lamang ako at ganun na pala ang epekto sa akin ni Paul pati si junjun nakikisang ayon. Nang natapos, agad akong bumalik sa kwarto para magbihis ng biglang tumunog ang cellphone ko si Paul nagtxt....

P: Rocky...7pm Greenbelt 3 Cinema lobby ha...wait kita gilid ng coffee shop tabi ng entrance....see you...ingat sa byahe

Ano ba naman itong si Paul kahit suot walang balak sabihin...haay...bahala na....

R: OK....see you......ingat ka din...

White polo shirt, black semi skinny jeans, black leather jacket at gray converse sneakers...yan ang napili kung suotin.....feeling ko sakto na yan, hindi masyadong pormal at hindi naman masyadong rugged tingnan.

Sakto 7pm ako dumating sa greenbelt, dumiretso muna ako sa restroom para mag ayos at tingnan ang sarili. Palagay ko naman gwapo ako ngayon gabi na ito, dahil kanina ko pa napapansin simula ng dumating ako sa mall na ito marami ng tumitingin sa akin habang naglalakad ako, so kahit papaano confident ako. Pero ano kaya itsura nun mokong na iyon.
Paakyat na ako ng escalator papunta ng cinema lobby doon yata sa bilihan ng ticket pero wala parin siyang text kung nasaan na siya. Bahala na aantayin ko nalang siya alam ko namang darating iyon.

Pagpasok sa Greenbelt 3 sa tapat ng timezone ako tumayo at nag antay sabay text ko narin sa kanya.

R: Hi...Paul dito na ako tapat ng timezone...for sure makikilala mo agad ako...ako lang yun nag iisang gwapong nakatayo at nag aantay ng ka date nya este ka meet pala. Saan kana?

May napansin akong isang lalaking dumating, naka red na T-shirt at maong na pants. Gwapo moreno, maganda ang katawan at mga nasa 5'7 ang taas. Agad itong tumayo sa gilid ng coffee shop. Ito na siguro si Paul, pinagmasdan ko ang kilos ng lalaki at halatang may inaantay ito. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at kakausapin. Natatakot akong magkamali at mapahiya. Makailang ulit din siyang napapatingin sa akin kaya sigurado akong si Paul na iyon. Pero bakit hindi pa siya nagtitext? Bakit hindi siya lumalapit sa akin?

After 5mins wala parin text akong natatanggap. Naroon parin yun lalaki na alam kong si Paul. Hahayaan ko siyang unang lumapit sa akin dahil alam ko mas makikilala niya ako. Sinilip ko muna yung mga palabas sa sinehan halos lahat magaganda pero wala akong panlibre ang mahal kaya ng sine dito.

Habang nakatayo sa gilid may napansin akong lalaking bumaba ng escalator galing sa taas dun sa mga movie house. Kapansin pansin ang lalaki dahil sa gara at ganda ng suot nito, naka all black coat and tie at halata talagang mayaman ito at ang sapatos sobrang astig. Sa totoo lang sa mga magazine ko lang nakikita yun ganun mga porma kaya talagang namangha ako. Kung titingnan mo siya ng mabuti iisipin mong isa siyang CEO o Presidente ng isang malaking kumpanya. Pero ang bata naman niya para sa ganun posisyon. Tila mas natulala ako noong napagmasdan ko ang maamong nitong mukha, singkit na mata, matangos na ilong, mapulang labi at sobrang kinis na mukha, ang sarap niyang titigan at sobrang sobra ang kagwapohan. Teka baka mahuli ako ni Paul na tumitingin sa iba, nakakahiya. Baka magselos iyon at awayin pa ako. Pero bakit ayaw pa niya akong lapitan o mag text man lang kung nahihiya. Kanina pa ako nag aantay dito buti nalang may nakikitang maganda ang mga mata ko.

Habang bumaba ang lalaki meron itong kasabay na 2 lalaki at 1 babae. Siguro mga body guard at secretary/assistant niya ang mga iyon. Iba talaga pag mayaman, hindi ko talaga maiwasan titigan siya ng biglang tumingin siya sa pwesto kung saan ako nakatayo. Hala, lagot nakita niya akong nakatitig sa kanya, nakakahiya. Nakita ko huminto sila sa gilid ng coffee shop at kinausap ang mga kasama niya bago umalis ang mga iyon at naiwan siyang mag isa. Iba talaga ang tindig niya at halos magkasing tangkad lang kami at kahit malayo siya amoy na amoy ang pabangong gamit niya, ganun ba talaga ang amoy ng mayayaman nakaka hypnotize. Kung ganito lang si Paul mahihimatay talaga ako.

Napansin ko iyong lalaking naka red na T-shirt na may kausap na sa cellphone. Pinagmasdan ko ang mga sumunod na pangyayari, may dumating na isang sexy at magandang babae. Bigla silang nagyakapan at nag kiss sa lips.

" Aw mali!...hindi pala si Paul iyon, buti nalang hindi ako gumawa ng anumang kilos kung hindi sobrang nakakahiya iyon" bulong ko sa sarili habang natatawa sa nakita at biglang napakamot sa ulo. Napansin kong nakatingin at napangiti sa akin iyon mayaman at gwapong lalaki. Siguro dahil may idea sya na napagkamalan ko iyong lalaking yun na ibang tao at mamaaring iyon ang ka-meet ko. Lalo tuloy akong nahiya at hindi na makatingin sa kanya ng diretso.

Pero nasan naba yun Paul na iyon. Sobrang late na niya at lintik baka balak pa nun hindi ako siputin, humanda talaga sa akin iyon. Kaya nagtext na ulit ako sa kanya....

R: Asan kana? Kanina pa ako nandito...

P: Sorry Rocky late ako, pero nandito na ako....

Bigla ko siyang hinanap, pero wala naman akong napansin na dumating na bago maliban doon sa mga pumapasok para bumili ng ticket at doon sa gwapong mayaman na kanina ko pa pinagmamasdan. Sinubukan kung maglakad papunta malapit sa entrance katabi ng coffee shop pero parang nahihiya ako at dadaan ako sa harapan ng lalaking nahuli akong tinitingnan siya. Pero wala akong choice nandito na daw si Paul at kailangan kaming magkita kaya lumakad na akong nakayuko papunta sa labas. Habang papalapit sa labas, bigla akong may narinig na boses sa aking likuran...

"Hi Rocky! Sorry I'm late"....

Bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko walang ibang taong nakatayo sa pwesto na iyon kundi iyong mayaman at gwapong lalaking mukhang CEO ng kumpanya. Hindi agad ako lumingon kaya isang boses ulit ang narinig ko....

" Pangit....si Paul ito"

Iyon ang hudyat para lumingon ako at hindi nga ako nagkamali ang lalaking mukhang ubod ng yaman na may kasama pang body guard at secretary. At ang lalaking kanina ko pa tinitingnan dahil sa sobrang kagwapohan at ganda ng katawan ay si Paul pala.....


Chapter 3: Anak Mayaman
Paul POV
.....sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa labas ng aming sinasakayan.....kami ba ang binabaril ng mga taong ito?....
"Dapa boss...tayo ang target nila" sabi ng driver ko...
Nagulat ako at agad na dumapa sa ilalim ng kinauupuan ko. Mga ilang minuto din kaming pinaputukan ng mga hindi kilalang kalalakihan. Buti nalang at "bullet proof" ang sasakyan ko. Agad agad kong tinawagan sila Mommy at Daddy para ipaalam ang nangyayari sa amin. Pero sa totoo lang medyo sanay na ako sa ganito. Hindi ko narin alam kung ilang beses ng pinagtangkahan ang buhay ko at kamuntikang makidnap. Kaya sa mga ganitong eksena parang normal nalang sa akin at bale wala.
Nang wala na kaming naririnig na putok agad akong tinanong ng driver...
"Ayos lang po ba kayong dalawa dyan sir"
"Dalawa?
Bigla akong napatingin sa tabi ko at may nakita akong nakadapang lalaki. Naalala ko kasama ko pala ang boyfriend ko.
"Rocky....wala na sila na... tumayo kana dyan....natakot kaba? pasensya na....at nararanasan mo itong mga bagay na ito....siguro mga kalaban na naman sa negosyo ang may may gawa nito" sambit ko....
Pero hindi ito gumagalaw kaya tinulungan ko itong bumangon ng bigla akong may nahawakan kung anong likido at basa ang T-shirt na suot niya. Nang tingnan ko ang aking mga kamay...... dugo pala mula sa tama ng bala sa may dibdib niya.
"Manong bilis....sa hospital tayo may tama siya...bilisan mo......"
Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ng mga sandali iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikitang mong nag aagaw buhay ang taong pinakamamahal mo.
"Rocky....gumising ka....wag ka matutulog..... wag ka susuko.. kapit lang mine.... dito lang ako... Mahal na Mahal kita.... Wag mo akong iiwan"
Isang mahigpit na yakap at walang tigil na paghalik sa noo, pisngi at mga labi nito ang tanging nagawa ko....
"Rocky....rocky....wag ka mamatay...lumaban ka....mine....mine....mine..
Nang biglang......
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko....
"Araaaaay........" sigaw ko!
"Sir.......sa wakas nagising din kayo... mukhang binabangungot kayo... kanina ko pa naririnig na nagsisigaw at umiiyak kayo sa labas, hindi sana ako papasok sa kwarto mo pero natakot ako baka mapaano kayo... SIR! SORRY sa sampal....ayaw nyo po kasing magising kanina" bungad sa akin ni Martha ang personal assistant at secretary ko.
Hawak parin ang masakit kong pisngi bigla ko naisip "Salamat at buti nalang panaginip ang lahat"
Teka si Martha nasa loob kwarto ko eh naka boxer lang ako ngayon at ramdam ko galit ang alaga ko..
"Anong tinitingnan mo at nakatayo ka parin dyan?" sabay kuha ng unan para matakpan ang harapan..
"Naku sir... gusto mo yata ulit masampal.....hahaha.... Pero sir sayang ka talaga... kung hindi ko lang alam na bakla ka matagal na kitang pinagnasahan at napagsamantalahan. Sarap mong titigan sir habang nakahiga dyan... grrrr...rooaarrr"
"Aba loko ito ha!" sabay bato ng isang unan...
"Labas na at lagot ka sa akin mamaya at masakit talaga ang sampal na iyon" pahabol ko
"Nagsorry na nga sir.....Peace na tayo boss! Pero teka sir..... sino si Rocky? ang sabi mo kanina habang nanaginip ka, mahal na mahal mo siya.... May boyfriend kana sir? Siya iyong ka textmate mo diba? Uy si sir excited na mamaya sa meet up nila.... Feeling teenager....lakas maka PBB teens......hanggang sa panaginip mag kasama sila.
"Baliw ito....araw araw tayo magkasama....kung saan ako pumunta nandoon ka rin, isama mo ba si manong driver at kuya body guard.... May nakita ka bang boyfriend ko? May pinakilala ba ako sa iyo? O kahit nabanggit?..... Oo si Rocky yun katextmate ko...... Excited? Walang ganyang pakiramdam.....
Pero kahit gaano ko itago, itanggi at huwag maramdam... sobrang excited talaga akong makita si Rocky. Hindi ko maipaliwanag pero naniniwala akong may dahilan kung bakit kami nagkakilala.
"Wala sir! Alam ko naman na wala kang boyfriend ngayon, eh baka mamayang gabi magkaroon na..... hulaan ko name niya.... hmmmppp ROCKY..... Pero sir nagtataka ako sa iyo kanina may pasigaw sigaw at paiyak iyak kapa na wag kang iiwan ni "Rocky"..... sir tanong lang naglasing po ba kayo kagabi....Hala! wag mo sabihin nag da-drugs kana sir?
"Tarantadong bruha ito.... Hindi ako lasing kagabi at lalong hindi ako adik....... itigil na natin ang usapang ito at panaginip nga lang lahat iyon.... lumabas kana at maghanda ng almusal ko, pakisabi kay Manong Gery na un Montero na muna ang gagamitin natin simula ngayon"
"No problem sir....Montero? ung bullet proof na sasakyan nyo sir... ang sosyal... Bet na bet ko iyon sir lalo na pag nakaupo na ako sa unahan...feeling ko ako ang may ari.... Teka sir may nangtatangka na naman ba sa buhay nyo?"
"Ano kaba Martha dami mong tanong lumabas kana at mag aayos na ako....at tsaka nga pala gusto ko lang sabihin sa iyo pag may ari ng sasakyan hindi tumatabi sa driver....wag feeling masyado...hahaha"
"Ok sir....hmmmp....remind lang kita sa lakad natin today... 11 am sa Soliare tayo at may meeting ka with your German business partners para sa bagong clothing line na bubuksan mo. At 4 pm SM Megamall Fashion Hall tayo opening ng new store mo then last stop ang main event.... 7 pm ang meet up nyo ni Mine mo ay este ni Rocky pala...... yan sir hindi ka masyadong busy today"
Bigla ko narinig na bumubulong itong si Martha "Paano magkakalove life wala ng panahon sa sarili puro pagpapayaman nalang ang nasa isip, ang tanong masaya ba siya"
Narinig ko lahat ng sinabi niya pero hindi ko na pinansin. Alam ko naman tama siya eh.....
" Copy......salamat Martha sa pagremind..... Yun breakfast ko..... katulad ng dati ha"
Sabay kaming nagsalita: "Pritong tuyo, itlog at talong na may bagoong at kamatis" sabay tawa namin ng malakas.....
"Alam mo sir..... ang gwapo mo ngayon....ibang iba ang dating mo........at sir ang yummy na ng body ha....pahawak nga ng abs sir.... tiyak mamaya pag nagkita kayo ni Rocky maiinlove agad iyon sa iyo.......
"Aba at hindi pa pala tapos ang kakulitan...... kukunyatan kita dyan... labas na at nagiging jologs nako"
Bago tuluyan bumangon sa kama agad kong kinuha ang cellphone ko. Syempre ano pa ba ang magpapangiti sa akin sa umaga kundi ang mga text ni Rocky. Aba at ang agang nagising ni pangit at mukhang pinaghahandaan ang araw na ito at magpapagupit pa talaga ang mokong. Hmmpp...hindi muna ako magtetext baka isipin nito excited ako masyado kahit iyon naman talaga ang totoo.
Masarap maging anak mayaman pero sa totoo lang madalas hindi rin ako masaya. Ako nga pala si Paul Sytanco, 25 years old... anak ng isa sa pinakamayaman pamilya sa Pilipinas. 5'10 ang taas ko, maputi, singkit ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi at sabi nila yun kapansin pansin talaga sa akin yun kakaibang puti at kinis ng balat ko.
Bawat isa sa pamilya ay may kanya kanyang negosyong hinahawakan. Ako ang President/CEO ng Sytanco Fashion and Beauty Empire. Buti nalang at dito ako nilagay at least kahit papaano ay na-eenjoy ko. Ako ang may hawak ng lahat ng clothing/fashion and beauty store ng SGC (Sytanco Group of Company) sa buong Pilipinas. Mukhang napakakapagod ang trabaho ko pero ang totoo wala naman talaga akong ginagawa maliban sa pagpunta sa mga meetings, events, parties, openings at maya't mayang pagpirma ng kung ano ano.
Tama ang lahat ng sinabi ni Martha puro sa negosyo nalang umiikot ang buhay ko kaya pati personal na kaligayahan ko ay nakakalimutan. Marami naman akong nakikilang mga bisexual sa mundo ko. Mga anak mayaman, matatalino at mga gwapo't macho. Pero iba ang gusto ko, gusto ko iyong simpleng tao lang, yun pwedeng magparamdam sa akin na hindi lahat ng kaligayahan ay may katumbas na pera.
Oras na ng almusal at tiyak mapaparami ang kain ko nito. Pero kailangan ko din palang tanungin ang mga tao ko kung ayos naba lahat ng dapat ayusin sa mga lakad namin ngayon araw na ito.
P: Manong.....Manong Gery.....
G: Sir....ano po iyon...
P: Sumabay kana sa pagkain at ikaw din Martha at pwede pakitawag narin si Kuya Arvin (the personal bodyguard)
G: Sige sir......
P: Manong...nasabi naba sa iyo ni Martha na iyong Montero muna ang gagamitin natin simula ngayon ha.
G: Ay, Opo sir.... naihanda ko na po yun sasakyan.
P: Salamat Manong....sige kumain kana.... Martha.... Martha....
M: Sir, nandiyan na po....tinawag ko lang itong si Kuya Arvin.
A: Sir....pasensya na kung nahuli ako, nag double check kasi ako nun sasakyan.
P: Sige...Ok lang....umupo na kayong dalawa at sabayan kami ni Manong. Simula ngayon pag nandito sa bahay gusto ko sabay sabay tayong kumain. Wala ng mahihiya sa akin. Gayahin niyo itong si Martha, wala ng hiya pagdating sa akin, kahit boss niya sinasampal niya.
Biglang nagulat sila Manong Gery at Arvin sa sinabi ko...
M: Sir naman, binabangungot ka kaya kanina kaya kailangan kung gawin iyon. Sorry na.....
P: Biro lang iyon.....pero salamat pala at nagising mo ako. Maiba tayo, ok naba iyon naka booked na conference room sa Soliare?
M: Yes sir, ok na po, nandoon narin po yung ibang staff mo at sila na nag ayos at maghanda ng ibang bagay.
P: Good....how about iyong opening ng store sa Megamall mamaya, kamusta?
M: Sir, wala ka ng iisipin doon, pupunta nalang tayo para sa ribbon cutting at syempre walang katapusang Hi and Hello sa mga guest at investors.
P: Nice one..... iyong kay Rocky, na clear mo naba lahat ng sched ko from 7pm onwards? Alam mo narin ba ang sasabihin pag may naghanap sa akin? Uulitin ko hanggat maaari, gusto ko ng normal na buhay mamaya, bawal ang usapang negosyo, hindi ako anak mayaman at higit sa lahat bawal kaming maistorbo.
M: Ayos na lahat sir, wala ng magiging problema sa pagkikita ninyo ni Rocky.
A: Sir...pasensya na po ha, mawalang galang na po... trabaho lang... Mapagkakatiwalaan ba yang Rocky na iyan? Nag iingat lang sir at alam mo naman trabaho ko ang seguridad at kaligtasan mo.
P: Ang sweet naman pala nitong si Arvin, tingin ko naman wala tayong magiging problema. Pero wag kang mag alala, hahayaan naman kitang sundan ako at bantayan kami basta wag ka lang magpapahalata at papakita sa kanya......ok ba iyon.
A: Ok sir....
P: Oh sya, sige na, tapusin na ang pagkain at lahat ay mag ayos na, mahaba ang araw para sa atin ngayon.

Chapter 4: Unang Pagkikita
Paul POV
"Rocky... 7pm Greenbelt 3 Cinema lobby ha... wait kita gilid ng coffee shop tabi ng entrance.... see you... ingat sa byahe"
Yan ang huling text ko kay Rocky, halos buong araw kong hindi nahawakan ang cellphone sa sobrang busy. Ramdam ko na ang pagod sa buong araw na mga lakad namin. Pero sa tuwing iisipin ko na magkikita na kami ni Rocky ay tila nawawala ang lahat ng nararamdaman ko at napapalitan ito pananabik at tuwa.
"Sir, ngayon lang kita nakitang nakangiti kahit alam ko, pagod na pagod kana. Iba talaga pag inspired at excited, Sir wag masyadong magpahalata ha...."
"Tumigil ka na nga dyan at nagugutom na ako.... nakalimutan kong kumain at kasalan mo ito at hindi mo pinaalala sa akin na wala pa akong kain, buti nalang masaya ako"
"Hala sir, kanina sa Megamall bumulong ako sa iyo na kumain kana sabi mo later nalang, sa date nyo nalang ni Rocky"
"Ha? Ganun ba?????? Teka! Martha... anong oras na?"
"7:00 pm na Sir"
"Hala! late na tayo, Manong sa Greenbelt 3 tayo ha, hanapan mo nalang ng malapit na parking area ha"
Si Rocky nagtext at nasa Greenbelt na siya, buti nalang malapit narin kami sa area. Agad naman nakikita ng magandang parking space si Manong Gery. Kaya dali dali narin kami pumunta sa Greenbelt 3. Kasama sila Martha, Manong Gery at Kuya Arvin dumiretso muna kami sa cinema lobby sa 4th floor ng mall at kailangan ko munang magbilin sa mga ito. Naalala ko masyadong formal ang suot kaya kailangan ko magpabili ng pamalit na damit nang hindi naman mailang sa akin si Rocky.
"Hi...Paul dito na ako tapat ng timezone...for sure makikilala mo agad ako...ako lang yun nag iisang gwapong nakatayo at nag aantay ng ka date nya este ka meet pala. Saan kana?"
Ito na ang pinakahihintay kong sandali nasa baba na si Rocky at anumang oras ay magkikita na kami, wala na itong atrasan. Dahil hindi pa nakakabili ng pamalit na damit, no choice ako kundi ang i-meet si Rocky ng naka ganito. Sana lang hindi siya mailang at mahiya sa itsura ko.
Habang bumababa ng escalator nakita ko na agad si Rocky. Biglang kumabog ang dibdib ko at natuwa sa nakita. Napaka gwapo naman pala ng ka-meet ko. Haay, sana magustuhan din niya ako. Napansin ko kanina pa niya ako tinitingnan, alam kaya niya na ako si Paul. Pero bakit biglang nakatuon ang atensyon niya sa lalaking nasa tabi niya.
"Shit, napagkamalan niya yatang ako ang lalaking iyon, kasalanan ko rin kasi hindi ko man lang nasabi itsura ko noon at ang suot ko ngayon"
Tumayo muna kami sa gilid ng coffee shop kasama ang driver, secretary at body guard ko. Nagkaroon din ako ng pagkataong utusan si Martha na bilhan ako kahit T-shirt at gusto ko talagang magpalit. Nagbilin din ako kay Kuya Arvin na huwag magpapahalata na binabantayan ako. Iniwan na nila akong mag isa, at handang handa na akong magpakilala kay Rocky.
*******************
Rocky POV
"Asan kana? Kanina pa ako nandito..."
"Sorry Rocky late ako, pero nandito na ako...." reply niya
Bigla ko siyang hinanap, pero wala naman akong napansin na dumating na bago maliban doon sa mga pumapasok para bumili ng ticket at doon sa gwapong mayaman na kanina ko pa pinagmamasdan. Sinubukan kung maglakad papunta malapit sa entrance katabi ng coffee shop pero parang nahihiya ako at dadaan ako sa harapan ng lalaking nahuli akong tinitingnan siya. Pero wala akong choice nandito na daw si Paul at kailangan kaming magkita kaya lumakad na akong nakayuko papunta sa labas. Habang papalapit sa labas, bigla akong may narinig na boses sa aking likuran...
"Hi Rocky! Sorry I'm late"....
Bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko walang ibang taong nakatayo sa pwesto na iyon kundi iyong mayaman at gwapong lalaking mukhang CEO ng kumpanya. Hindi agad ako lumingon kaya isang boses ulit ang narinig ko....
" Pangit....si Paul ito"
Iyon ang hudyat para lumingon ako at hindi nga ako nagkamali ang lalaking mukhang ubod ng yaman na may kasama pang body guard at secretary. At ang lalaking kanina ko pa tinitingnan dahil sa sobrang kagwapohan at ganda ng katawan ay si Paul pala.....
Hindi parin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon, totoo ba ito o isang panaginip lang. Ang katextmate ko lang dati, nakakabiruan at minsan nakakalokohan ay ganito pala kayaman. Bigla akong nahiya na para bang gusto ko nang umuwi at iwan siya. Pero paano ko magagawang iwan siya kung alam ko naman sa sarili na matagal ko na siyang gustong makita at makasama. Ito na iyon pinakahihintay kong sandali, pero bakit sobra ang kabog sa dibdib ko ngayon. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa mga dati kong nakikilala. At bakit parang nakaramdam ako ng takot ngayon na halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.
"Paul? Ikaw si Paul?.....seryoso" pautal utal na tanong ko....
"Oo..... ako nga si Paul"
"Bakit?"
"Ano bang tanong iyan Rocky? Parang nakakaloko.....hahaha..... Ako nga si Paul..... yun katext mo...
" Sino?"
"Ok ka lang ba Rocky? Hindi ko maintindihan mga tanong mo..."
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kung ano ano ang nasasabi ko, bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? bakit hindi ako makahinga ng maayos at  grabe din ang pawis ko kahit ramdam ko ang lamig ng mall. Bakit ako nagkakaganito? Ikaw Paul ang dahilan nito.
"Rocky......ayos ka lang ba? tanong niya.
Hindi ko na nagawang sumagot at parang napansin ni Paul na nag iba ang itsura at pakiramdam ko. Agad itong lumapit at niyaya akong umupo sa coffee shop sa tabi namin. Agad itong nagtungo sa counter at pag balik may dala na itong bottled water.
"Rocky... inom ka muna at ok ka lang ba? ano ba nararamdaman mo? kumain kana ba?" tanong ni Paul na halatang nag alala bigla sa akin
.......paanokobasasabihinsaisangtaonasiyaangdahilankungbakitakonagkaganito.
Pagkainom ko ng tubig at mga ilang minutong pagkakaupo at pagpapahinga, unti unti narin naging maayos ang pakiramdam ko. Pero hindi ko parin matingnan ng diretso si Paul. Napansin ko din, pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Sino ba naman ang hindi titingin sa amin. Isang lalaking alam mong ubod ng yaman ang nag-alala sa isang simpleng lalaking kagaya ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya at nanliit sa sarili.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya
"Ang alin? anong ibig mong sabihin"
"Hindi mo sinabing ganyan ka"
"Anong ganito ako? May problema ba Rocky?"
"Mayaman ka pala, teka hindi lang yata basta mayaman... Ubod Pa Ng Yaman"
"Rocky....sorry hindi ko alam kung paano ko sasabihin"
"Tinatanong kita noon, pero hindi ka nagkukwento ng kahit ano tungkol sa iyo.....tapos gugulatin mo ako ng ganito. Ano ba gusto mong ipamukha sa akin Paul, una palang alam mo na kung anong klaseng buhay meron ako. Bakit ganyan ka? Nakakapang liit ka naman?
"Rocky...wala akong ganyang intensyon. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa iyo at wala din naman akong balak ilihim sa iyo ito, naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon...... Rocky huwag ganyan! please"
"Kailangan ba talagang ganyang ang suot mo pag makikipag kita ka sa akin at bitbit mo pa talaga ang mga body guard at assistant mo.....sabi mo mahalaga ako sa iyo, bakit hindi mo naisip ang mararamdaman ko. Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Alam mo ba ang pakiramdam ng pinagtitinginan ng mga tao dahil ibang iba ang itsura natin dalawa pero ito tayo magkasama. Alam mo namang mahirap lang ako pero mas pinamukha mo sa akin na mas mahirap pa ako sa inaakala ko"
"Pasensya na Paul... hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Tingin ko kailangan ko munang umuwi. Salamat at kahit papaano nakipagkita ka sa isang gaya kong mahirap lang"
"Rocky.......hindi mo naiintindihan...................  "
Hindi ko na pinakinggang ang sasabihin niya at tumayo nalang akong bigla at naglakad papalayo ng shop.
Rocky.....wait......please Rocky.... STOP


Chapter 5: Hindi Nagkaintindihan, Hindi Nagkaunawaan


PAUL POV
Paano ko ba ipapaliwanag sa taong ito kung bakit ganito ang suot ko at kung bakit may mga kasama akong nagpunta dito. Wala naman akong balak tapakan ang pagkatao niya lalong lalo na ang saktan o ipahiya siya. Pero ako ito ngayon nagmumukhang masama at mata pobreng tao.
Hindi ko rin magawang magalit at magtampo kay Rocky. Alam ko nabigla lang siya at normal lang ang naging reaksyon niya. Handa ko naman sabihin ang lahat sa kanya pero paano ako makakapagsalita kung hindi naman siya handang makinig sa akin at bigla nalang akong iiwan at lalayasan.
Rocky.....wait......please Rocky.... STOP!
Agad akong tumayo para habulin siya.
P: Please stop....
R: Huwag mo na akong sundan, pinagtitinginan kana ng mga tao.
P: Rocky, pwede ba tayong mag usap? magpapaliwanag ako...... (sabay hawak sa braso nito)
R: Bitawan mo ako Paul, uuwi na ako.....masama na talaga pakiramdam ko......
P: Masama ang pakiramdam? O masama ang loob sa akin.....
(sabay bitaw din sa braso niya)
R: Ano ba ang dapat kung malaman? Alam ko na Paul, kitang kita ko naman....... alam ko na mayaman ka, mahirap lang ako.
P: Bakit ba naging issue ngayon ang pagiging mayaman ko?
Muli na namang naglakad si Rocky papalayo, ako ito hahabulin ulit siya  at susubukang pigilan. Pansin ko pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao sa bawat madaanan namin. Iniisip siguro nila magjowa kami na may pinagtatalunan. Pero wala na akong pakialam sa kanila, isa lang ang mahalaga ngayon sa akin ang makausap ko itong si Rocky.
P: ROCKY.....PLEASE STOP!....
R: Ok... ito nakahinto na ako, Ano ang sasabihin mo? makikinig ako.....
.........nakahinto ka nga pero hindi mo naman ako tinitingnanmukha akong gago na nakikipagusap lang sa hangin nito.... bulong sa sarili
P: Paano mo ako maiintindihan pag hindi mo ako pakikinggan.....
R: ITO NA NGA........MAKIKINIG NA!
Nagulat ako kay Rocky biglang itong sumigaw sa harap ng napakaraming tao. Sa totoo lang, sa buong buhay ko ngayon lang may sumigaw ng ganun sa akin. Hindi ko ugaling manigaw ng tao at alam lahat iyan ng mga staff ko. Sa gulat, hindi agad ako nakapagsalita at nakakibo. Ganun pala ang pakiramdam ng nasisigawan at talagang nasaktan ako. Dahil sa nangyari, hindi ko narin napigilan ang body guard ko na lumapit sa amin.
"Pre, Rocky tama ba? huwag kang sumigaw.... huwag mong pahiyain ang amo namin. Ikaw itong kinakausap ng maayos at matino kaya umasta ka ng tama. Hindi mo siya sila kilala........
P: Kuya Arvin, tama na... Ok lang ako... doon ka muna, ako na bahala dito....
A: Boss kasi, sobra na itong taong ito, kanina ko pa kayo pinagmamasdan nagmumukha ka ng gago.
P: Ok na Kuya Arvin, lumayo kana muna, kaya ko ito....
Tila biglang nag iba ang itsura ni Rocky at mukhang kumalma na ito. Hindi narin ito umalis sa pwesto at nanatiling nakatayo.
"Sir Paul.... sir Paul.... nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap.... pasensya na boss at natagalan ako. Ito na po pala iyong pinapabili mong damit na pamalit"
Si Martha pala at dala ang pinabili kong damit. Pero ano pa ang silbi nito kung ito kami ni Rocky hindi na magkasundo.
M: Boss....may problema ba? sorry sir nahuli ako.....
P: Ok lang Martha....wala kang kasalanan..... dalhin mo nalang sa kotse ang pinamili mo at uuwi na tayo.
M: Boss....... Rocky......
P: Sige na Martha, puntahan mo na si Manong Gery at daanan nyo nalang ako dito.
.........hindi na ito tama at hindi ko na din deserve ito. Kung ayaw mong makinigwala na akongm agagawa..... bulong sa sarili
P: Ok... Rocky.... kung ayaw mo akong pakinggan, wala na akong magagawa. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko sinasadya ang lahat.
P: Galing ako sa isang business meeting at opening ng bagong store kaya ganito ang suot ko. Sinubukan kong magpalit kaya nagpabili ako ng damit sa secretary ko. Kaya lang nahuli kami ng dating dito at kanina kapa naghihintay kaya wala na talaga akong choice kundi makipagkita sa iyo ng ganito ang suot ko.
P: Sorry kung hindi ko nasabi ang uri ng buhay na mayroon ako. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin. Pero wala akong balik ilihim sa iyo, naghahanap lang ako ng tamang tyempo.
P: Rocky.....alam ko mayaman ako pero kahit kelan hindi ako naging mata pobreng tao.
P: Hindi ko sinasadya na saktan ka at lalong lalo ang pahiyain ka. Sorry at Thank You....
Lumakad ako papunta malapit sa taxi stand at doon ko nalang aabangan ang sasakyan. Hindi ko na ulit nilingon si Rocky at ayaw ko ng masaktan. Sa totoo lang, grabe ang panghihinayang ko at akala ko si Rocky na ang "the one". Habang inaabangan ang aming sasakyan. Bigla nalang may humawak sa akin likuran at nagsalita.....
" Sorry na...... Please huwag kang umalis..... "
Nang tingnan ko si Rocky pala na halos maluha habang nagsasalita.
"Paul.... sorry..... alam ko ako ang may kasalanan.... Dala lang talaga sobrang hiya ko kaya ako nagkakaganito.... huwag no akong iwan, tagal kong hinintay ang pagkakataong ito"
Hindi ako kumikibo at nagsasalita, dumating ang sasakyan, huminto sa amin harapan at bumukas. Sumakay ako ng hindi nagpapaalam, tiningnan ko si Rocky at nakita ko umiyak na ito ng tuluyan.
" Ano ang iniiyak mo dyan, ang pangit mo..... sumakay kana.... hindi na tayo pwede mag date dyan.... malamang bukas nasa showbiz headline na tayo"

Chapter 6: Magkasama Sa Tuwa't Saya
Rocky POV
Hiyang hiya talaga ako sa inasal ko kanina. Hindi ko man lang hinayaang magpaliwanag si Paul. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit naging ganun ang reaksyon ko. Kung iisiping mabuti parang wala naman issue at problem. Marahil dala lang ito ng sobra kong pagkabigla at hiya.
Aaminin ko.....totoo ang iyak na iyon. At ngayon lang nangyari na umiyak ako sa isang ka-date ko, lalong lalo na sa kapwa ko lalaki. Natakot talaga ako na baka tuluyang mawala si Paul sa buhay ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili, na dahil lang sa kakitiran ng isip ko mawawala ang taong lubos na nagpapaligaya sa akin ngayon. Habang buhay kong pagsisisihan na hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa amin na magkasama at magkakilala kahit sandali lang.
Alam ko, langit at lupa ang pagitan namin ni Paul. Pero wala namang masama kung susubukan. Kahit kelan hindi pumasok sa isip ko na ganyan siya kayaman. Isa lang naman ang gusto ko, ang makikilala ang "the one" at umaasa akong si Paul ang nakalaan.
Pagpasok ko ng sasakyan hindi ko alam kung saan ako uupo. Nakita ko nalang na sumenyas ang babae kasama nila sa sasakyan na doon ako sa tabi ni Paul umupo. Tahimik ang lahat sa loob, walang nagsasalita.... walang kumikibo. Kahit si Paul, parang ang layo ng tingin at kanina pa ako hindi pinapansin.
Dahil kami lang naman ni Paul ang nakaupo sa likod naisip kong lumapit pa sa kanya, pa unti unti akong umuurong hanggang magkadikit na ang aming mga balikat, bigla itong humarap sa akin at nagsalita.....
"Ok kana? Galit ka pa ba?"
Hindi ako nakasagot sa hiya...kinuha ko nalang ang isang kamay niya hinawakan ito at hinalikan, sabay bulong ng.... "I'm Sorry"
Hindi ito sumagot, pero naramdaman ko din na biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sabay patong ng ulo niya sa aking balikat. Narinig ko itong nagsalita....
"Natakot ako kanina....akala ko nawawala kana sa buhay Rocky, huwag mo na uulitin iyon...please"
"Ako din Paul.....sa sobrang takot ko hindi ko napigilang umiyak. Pang ako hindi na mauulit iyon.... Sorry"
Mga ilang minuto din ganun ang ayos namin. Magkatabi sa upuan, magkahawak ang mga kamay at nakapatong ang ulo niya sa aking balikat. Ang sarap sa pakiramdam habang ganun ang ayos namin. Tumatalon sa tuwa ang puso, tila galak na galak at kasama ko si Paul.
Biglang magsalita ang babaeng kasama sa sasakyan......
"Boss saan nyo po gustong magdinner at hindi pa po kayo kumakain since lunch time......."
"Ikaw na bahala Martha...."
"Ok boss...."
Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko kanina. Wala pa palang kain si Paul sa sobrang busy niya at ito mas inuna pa niya akong kitain kaysa kumain. Habang hinahawakan ang kanyang ulo na nasa balikat ko, tinanong ko siya.........
"Paul, bakit hindi kapa kumakain?"
"Wala na kasing oras kanina..." sagot niya.......
"Sana nagsabi o nagtext ka muna, tingnan mo parang ang tamlay mong tingnan ngayon"
"Ok lang ako....kasama na naman kita"
Sa mga sandaling iyon, ramdam na ramdam kong special talaga ako kay Paul. Sana lang maparamdam ko din kung gaano siya kahalaga sa akin. Maya maya, mukhang nakatulog si Paul sa balikat ko.
"Boss...... Boss..........ay tulog pala!" sambit ni Martha
"Rocky.... ikaw ns ang gumising kay Boss at alam ko hindi yan magagalit sa iyo" sabi ni Martha
"Sige....subukan ko......" sagot ko naman.....
"Paul......Paul.....dito na tayo, gising na"
Bigla itong bumangon at nakangiting tumingin sa akin......
"Martha..... nasan na tayo?" tanong ni Paul......
"Rockwell na tayo Sir....."
"Ha? Bakit tayo nandito? Parang gusto nyo na yatang iuwi ako, hindi pa nga nagsisimula ang date ko"
Natawa ako sa sinabi ni Paul...bigla ko din tuloy siyang natanong.....
"Bakit Paul, dito ka lang ba nakatira?"
Hindi ito nagsalita at isang na namang ngiti ang sinagot nito......
"Sorry Boss...... akala ko kasi gusto nyo nalang magpahinga pagkatapos mong kumain"
"Ok lng Martha.....walang problema"
"Saan nyo po gusto kumain Boss, para maitawag ko sa manager"
"Ikaw na bahala Martha.... Teka, san pala iyon damit na binili mo? Para makapagpalit muna ako...."
"Nandiyan sa likod ng upuan nyo Boss"
"Ok.... Salamat Martha.... sige asikasuhin mo muna kung saan mo kami papakainin"
"Rocky... paki kuha naman iyon paper bag sa likod....magpapalit lang ako...."
"Wait lang........ito na!"
Mabilis na nagpalit ng T-shirt at pantalon si Paul sa harap ko. Wala itong pakialam na naghubad sa harap ko. Nilayo ko ang tingin ko habang natatawa sa sarili at parang ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa nakikita ko.
"Boss....ok na po yun kakainan nyo, may susundo po sa inyo sa may entrance...."
"Ok Salamat Martha..... Sige, mauna na kayong tatlo sa condo pagpasok namin sa mall....tatawag nalang ako kung may problema"
"Manong Gery, sa main entrance nyo kami ibaba at nandoon daw ang susundo sa amin"
"Sir.....nandito na po tayo...."
"Ok....Sige na....umuwi na kayong tatlo... Kuya Arvin....wag kang mag alala....safe ako dito"
Pagtapat ng sasakyan sa main entrance ng mall, may lumapit na isang lalaki at binuksan nito ang pintuan. At narinig ko itong bumati kay Paul.
"Good Evening Mr.Sytanco"
Paglabas namin ng sasakyan, ngayon ko lang nakita ang damit na pinalit ni Paul. Napangiti lang ako kasi kahit naka jeans at T-shirt lang ito ay halata parin na mayaman siya. Ganito ba ka VIP ang taong ito, mula pagpasok ng mall at hanggang paglalakad lahat yata ng staff at empleyado ay humihinto para bumati sa kanya.
"Sytanco.... Sytanco...... Sytanco..... yan pala ang surname niya" bulong sa sarili.....
Shit, ang ka date ko ay isang Sytanco pala... naloko na! Akala ko mayaman lang sila, nagkakamali pala ako..... "Super Yaman" pa pala. Pero ok lang, bakit ako mahihiya kung si Paul nga mismo hindi pinaparamdam na iba ako sa kanya, basta pinangako ko sa kanya at sa sarili ko, hindi na mauulit iyong nangyari kanina.
"Rocky, bakit nangingiti ka na naman diyan? ano iniisip mo?
"Paul Sytanco.... pala ha.... ikaw pala si Paul Sytanco" bulong sa sarili....
"Ano binubulong bulongo dyan? At naririnig ko ang pangalan ko"
"Wala...... huwag mo na akong pansinin... Teka, kakain naba tau Mr. Paul Sytanco? at nagugutom na ako..."
"Baliw ka talaga Rocky.... Oo kakain na tayo, nag seset up lang sila"
PAUL POV
Kahit ramdam ko ang sobrang pagod at gutom ngayon, nawawala ang lahat kapag nakikita ko si Rocky. Sa mga hawak palang niya gumagaan na ang pakiramdam ko at mga ngiting pag nakikita ko ay parang nabubusog na ako. Buti nalang at nagkaayos kami, akala ko talaga iyon na ang una at huling pagkikita namin. Sa totoo lang, ngayon ko naramdam ng ganitong saya at sana tuloy tuloy na.
"Hi....excuse me.....ready naba yun pinareserve ko?....gutom na talaga kami ng kasama ko" tanong ko sa Manager.....
"Wait lang sir, double check ko lang" sagot niya...
Mga ilang sandali bumalik na ito at nagsabi handa na ang lahat.......
"Rocky, tara pasok na tayo....."
Sa isang VIP room pala na ka set up ang dinner namin. Pagpasok naman ng room, handa na lahat ng pagkain. Napansin ko na parang nagulat si Rocky sa nakita niya pero alam ko naexcite din siya....
"Wow...Paul ito ang dinner natin? Ang dami namang pagkain... Grave itsura at amoy palang mukhang ang sasasarap nilang lahat"
"Oo....Rocky....at kailangan maubos natin lahat ito...."
Sanay na ako sa ganitong mga eksena pagkumakain, pero nakaramdam din ako ng kakaibang excitement dahil kasama ko si Rocky. Magkatabi kaming naupo, gusto kong maging kakaiba ang 1st dinner namin. Nakita kong pinagmamasdan ni Rocky ang mga iba't ibang spoon/fork at knife sa lamesa. Bigla ko tuloy naisip, gusto kung kumain ng simple lang. Kaya tinawag ko iyon isang assistant na alinisin lahat ng spoon and fork.
"Paul....bakit mo pinatanggal ang mga iyon, paano tayo kakain?" biglang tanong ni Rocky
"Problema ba iyon Rocky, gusto ko mag kamay ngayon.... Diba mas maeenjoy natin lahat ito pag nag kamay tayo" sagot ko.....
Nakita ko ang kakaibang ngiti ni Rocky at sabay hawak ng kamay ko. Gusto ko maranasan ang simple buhay na mayroon si Rocky. Gusto ko makita ni Rocky na kaya kung mabuhay ng simple at kalimutan muna sandali ang marangyang buhay.
"Ang sarap pala kumain ng normal at simple lang". Ito ang tanging nasabi ko sa nararanasan ko ngayon. Habang kumakain, yuloy tuloy lang kami ni Rocky sa aming kwentuhan. Hindi rin namin maiwasang magtawanan dahil sa mga lokohan at biruan. Ganito pala ang pakiramdam kung wala lang rules na kailangang sundin. Hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita kami sa ganun sitwasyon. Ang alam ko lang hinding hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Si Rocky ang kaligayahan k ngayon at hindi ko hahayaang nawala siya sa aking buhay.
Halos dalawang oras ang tinagal naman sa pagkain. At halos maubos din namin lahat ng pagkain nakahain sa aming harapan. Iyon na yata ang pinakamatagal na pagkain ko sa buong buhay. Hindi na namin napansin ang oras sa sobrang tuwa't saya na aming nararamdaman kapag magkasama.
Lumabas na kami ng restaurant at nagyaya si Rocky na maglakad lakad muna. Naka akbay sa akin si Rocky habang kami ay naglalakad. Pakiramdam ko safe na safe ako at hindi ko na kailangan ng body guard.
"Paul....simula ngayon pag kasama mo ako huwag kang lalayo at mawawala sa paningin ko.... Mahirap na baka makidnap ka at agawin ka sa akin...at makikipagpatayan ako para sa iyo"
"Ganun....gagawin mo iyon para sa akin?"
"Oo....kung iyon lang ang paraan para maparamdam ko sa iyo na mahalaga ka sa akin....gagawin ko...basta simula sa araw na ito ako na ang bodyguard mo.....at sana soon maging boyfriend mo rin"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Rocky. Pero kinilig ako doon, syempre kung may gugustuhin akong maging boyfriend si Rocky na iyon.
Rocky POV
Hindi sumagot si Paul sa sinabi ko. Gusto rin kaya niya ako? Paano kaya niya ako magugustuhan? Alam ko hindi ako mayaman gaya niya pero lahat gagawin ko at ibibigay ko kahit sariling ko pang buhay, maparamdam ko lang kung gaano siya kahalaga sa akin ngayon.
Habang naglalakad kami, nakikita kong napapapikit na si Paul at tila inaantok na.....
"Paul, gusto mo hinatid na kita sa inyo? para makapagpahinga kana...alam ko pagod na pagod kana"
"Pasensya na Rocky ha....."
"Ok lang iyon.....ako nga dapat humingi ng pasensya....pero OK lang, ito na yata ang pinaka masayang gabi ko"
"Pero Rocky, gusto pa kitang makasama.... pwede bang matulog katabi ka?"

No comments:

Post a Comment