LGBT Total Entertainment Blog
Help us grow and send in your own stories and contributions to: pinoylgbtlovestories@gmail.com

Saturday, January 17, 2015

STORY: Panaginip Nalang Sana


ByLoopKenon
"Kelan kaba makikipagkita sa akin?"
Ito na naman ang text ni Red na talagang nagpapakaba sa akin. Sigurado akong hindi ako titigilan nito at gagawin ang lahat mapapayag lang ako. Ano na naman kaya ang idadahilan ko para hindi ito matuloy? Anong palusot na naman ang sasabihin ko para magbago ang isip niya? Pero paniniwalaan pa kaya ako? kung sa loob ng anim na buwan na kami ay nagkakausap at nagkakatext ay hindi ko na mabilang kung ilang beses narin hindi natuloy ang mga meet up na gaya nito dahil sa akin.
Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong makipagkita sa kanya. Samantalang ilang beses narin naman kami nakakapag chat sa harap ng camera. Magkaibigan din naman kami sa Facebook kaya alam na alam na namin ang itsura ng bawat isa. Pero bakit ganun, naroon parin ang tako't pangamba na pagkatapos namin magkita ay tapos narin lahat sa aming dalawa.

Wala kaming relasyon ni Red, assuming lang talaga ako. Pero alam ko special ako para sa kanya. Kitang kita ko iyon sa mga effort nya na makausap at makatext ako kahit pagod na pagod na siya. Ang tanong, ganyan parin kaya siya pagkatapos niya akong makita.
Ako si Lanz, 19 years old at nasa 5'6 ang taas. Hindi ako mataba at hindi rin payat, siguro tama lang ang katawan para sa aking height. Alam ko hindi ako gwapo at hindi rin naman pangit. Sakto lang, tama lang, mukha parin naman akong tao. Dahil sa Bulacan ako pinanganak at dito narin lumaki pinoy na pinoy ang itsura't dating ko, lalo na kulay ko, kaya minsan iniisip ko mas bebenta siguro ako sa mga foreigners kaysa sa kapwa ko Pilipino.
Biglang tumunog ang cellphone.....
.....ring.....ring......ring......
Lanz: Hello! Good Evening Red... Bakit gising ka pa? At bakit napatawag ka?
Red: Gandang gabi din sa iyo......buti at gising ka pa....
L: Sa totoo lang patulog na ako at mag gu-goodnight palang sana ako sa iyo sa text. At bakit napatawag ka?
R:  Hanggang ngayon kasi hindi mo parin sinasagot ang tanong ko. Buong araw hindi ka na naman nagtetext.
L: Ano ba yun tanong mo? Hindi ko maalala....
R: Grabe naman ito ang bata bata pa makakalimutin na. Tanong ko, kelan kaba makikipagkita sa akin?
L: Ah yun ba? Naku alam mo namang sobrang busy ngayon sa school at gumagawa kami ng baby thesis.
R: Uhh! baby thesis? 3 months ago pa nyo ginagawa yan at naalala ko nasabi mo na sa aking tapos nyo na yan.
Naloko na, mukhang mali ako ng nasabi at nakalimutang kong nagamit ko na ang palusot na iyon sa kanya noong huling nag invite siya. Patay tayo at wala na yata akong kawala nito. Pero susubukan ko parin, at baka sakaling makalusot tayo.
L: Oo tapos na iyon pero may mga revisions na kailangang gawin pa.
R: Bakit ngayon mo lang nabanggit yan, halos isang linggo na akong nagtatanong sa iyo kung busy ka sabi mo lagi hindi naman. Pero ngayon bigla ka ulit naging busy. Dahil ba nagyaya na naman akong magkita tayo?
L: Loko ito..... nagkataon lang iyon. Alam mo naman gustong gusto na kitang makita. Kaso lang, kakain masyado ng oras ang pagluwas ko diyan sa Manila. Hindi pa kasama doon ang oras ng bonding natin. Ok lang sana kung wala akong ginagawa kaso meron.
R: Akala mo ba Lanz, hindi ko nahahalata, na kapag "meet up" ang pinag uusapan todo iwas ka. Ang dami mong dahilan para lang hindi matuloy. Hindi ko tuloy maiwasang isipin hindi ako mahalaga sa iyo.
L: Anong drama yan Red, nakainom ka ba? Hindi lang makikipagkita sa iyo at busy ganyan na agad ang iniisip mo. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin diba? Promise babawi ako........
R: Hindi ako lasing Lanz, nakapag decide na ako, kung hindi ka makikipagkita sa akin sa darating na sabado......magkalimutan na tayo! Text mo nalang ako sa desisyon mo. Tulog na ako..... GoodNight....
L: Teka lang...... wait.........
Aw.... binabaan ako, paano ito? wala na talaga akong kawala at kailangan ko ng makipagkita. Wala naman akong choice, pumayag man ako o hindi naroon parin ang posibilidad na mawala siya sa buhay ko. Push... na natin ito para kahit papaano nagkaroon naman ako ng chance na makasama ang taong unti unting minamahal ko.
"Ok...Red, payag na ako! Kita tayo sa Sabado.... Please, huwag kana magtampo"
Yan ang text ko kay Red bago ako matulog. Alam ko matutuwa iyon ng husto. Ito narin siguro ang tamang panahon para malaman ko kung saan pupunta ang nararamdaman kong ito.
Suot ang pulang T-shirt at itim na cargo short agad kung tinungo ang sinabing lugar ni Red kung saan kami magkikita.
"Dito na ako tapat ng Jolibee naka red na T-shirt ako" text ni Red
"Naglalakad narin ako.... malapit na... naka red na T-shirt din ako, hehehe" reply ko.
Aba at ang aga naman ni Red, hindi halatang excited. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Sana magustuhan niya ako, sana kahit papaano OK ako para sa kanya.
Nasa malayo palang ako may nakita na akong lalaking naka suot ng pulang T-shirt, nakatayo sa tapat ng Jolibee. Nakayuko ito habang abala sa kanyang cellphone. Hindi ako pwedeng magkamali, si Red na nga iyon.  Dahan dahan ko siyang pinuntahan at bigla nalang akong tumayo sa kanyang harapan at sinabing.....
"Hi Red....."
Pag angat ng kanyang ulo, agad kong makita ang mukha ni Red. Napansin ko na parang nagulat siya nang makita  ako. Hindi agad ito nakapagsalita at parang nawala bigla ang sigla't saya sa mukha. Nagulat nalang ako sa sumunod na narinig.
"Sorry ha...hindi kita kilala...Hindi Red ang pangalan ko......"
"Hindi kita kilala, hindi Red ang pangalan ko"
"Hindi kita kilala, hindi Red ang pangalan ko"
Ito ang mga katagang nagpapaulit sa pandinig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko din alam ang gagawin ko....
"Ikaw si Red....... Ikaw si Red..........
Red..... Red...... Red.......
Biglang tumunog ang cellphone ko,  na naging dahilan para magising ako sa isang napakasamang panaginip. Tumatawag pala si Red, malamang nabasa na niya iyon huling text ko kagabi.
Akala ko totoo.......natakot ako at parang ayaw ko ng tumuloy sa Sabado.
L: Hello....Good Morning
R: Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko?
L: Kagigising ko lang, nagising sa tawag mo at thank you nagising mo ako.
R: Bakit anong nangyari?
L: Isang napakasamang panaginip.....
R: Ayan, Hindi ka na naman siguro nagdasal kagabi..... Uy, wala ng bawian ha, magkikita na tayo sa Sabado. Oh sige tawag nalang ulit ako mamaya, bangon na at magbreakfast... Thank You at sa wakas pumayag ka at pinagbigyan mo ako..... mwah mwah mwah
L: Sige, mamaya nalang ulit....
Ramdam ko magkakatotoo ang panaginip na iyon. Pero wala ng atrasan ito, bahala na.....at least dahil sa panaginip na iyon, maihahanda ko ang sarili sa mga pwedeng mangyari.
------------------------------------------------
Araw ng Sabado.....
"Saan ka na?"
"Dito na ako!"
"Ano suot mo?"
"Matagal ka pa?"
Sunod sunod ang text na natanggap ko habang nasa bus papunta sa isang sikat na mall sa Mandaluyong. Isang EB "eyeball" ang nakatakdang puntahan ko. Magkikita kami ni Red sa unang pagkakataon. Mga 6 na buwan na kaming magkatext pero ngayon lang niya ako napilit magkita. Sa totoo lang hindi pa talaga ako handang makipagkita sa kanya kung hindi lang niya ako tinakot na noong huling yaya niya, hindi talaga ako papayag.
"Bus palang ako"
"Asa byahe pa"
"Naka green na T-shirt at maong pants ako"
"Medyo malapit na ako"
Yan ang sunod sunod kong reply sa kanya. Habang nasa byahe, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gustong gusto ko ng makita si Red pero natatakot ako na baka ito na ang una at huling pagkikita namin. Hindi ko sigurado kung magugustuhan parin niya ako. Hindi ko alam kung pagkatapos namin magkita ay itetext parin niya ako. Isa lang naman ang pinanghahawakan ko ngayon, ang sinabi niyang tanggap niya ako kung sino at ano man ang itsura ko. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito kung puro "rejections" nalang ang nararanasan ko.
Nakakainis lang kasi iyong ibang tao sobra sobra kung bigyan ng halaga ang panlabas na itsura. Ang daming demand..... "Discreet Only" "No Chubs, No Effem" "For Goodlooking Guys Only" "GymFit/Toned Guys Only" tinalo pa ang criteria sa isang Artista Search o ang pagpasok sa PBB.
Kay Red ko lang naramdaman ang pagtanggap na naging mailap sa buhay ko. Mula ng magkakilala kami sa Facebook naging bukas na ang buhay ko kay Red. Wala akong tinago, wala akong nilihim lahat naikwento ko. Pero kailanman ay hindi ako nakarinig ng panghuhusga mula sa taong ito. Pero alam ko maaring may magbago ngayon magkikita na kami at iyon talaga ang kinakatakot ko.
Hindi parin mawala sa isip ko ang panaginip na iyon. Paano kung itanggi niya ako. Paano kung hindi siya magpakita. Kung mangyari man iyon, naihanda ko na ang sarili ko. Alam ko masasaktan ako pero tulad ibang naka meet ko, makakalimutan ko din sila at makaka pag move on din ako.
Tamang tama lang sa oras ang dating ko sa mall. May oras pa akong magbanyo para mag ayos ng sarili bago kami magkita. Habang nakatingin sa salamin, bigla kong naisip.....Hindi naman ako ganun kapangit para itanggi hindi siputinng kameet..... Hindil ang talaga ako artistahin pero sa porma't ayos ko pweding pwede na..... At higit sa lahat alamkong malinis at mabango akosapat na para piliin mong makasama ako".
Lumakad na ako papunta sa isang sikat na coffee shop doon daw kami magkikita.
"Nasan kana? Nandito na ako, nakaupo ako malapit sa entrance ha, naka red na T-shirt....wait kita dito, ingat" text ni Red
Hindi na ako nagreply at malapit narin naman ako. Ayon at nakita ko na siya, napansin ko tumayo ito at mukhang nakita narin niya ako. Nang magkalapit na kami, kitang kita ko sa mukha niya ang labis na saya. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa mukha ko, samantalang ako ay hiyang hiya at hindi malaman ang gagawin at sasabihin.
R: Hi Lanz.....dumating ka nga, sa wakas nagkita din tayo....thank you!
Nang marinig ko ang sinabi niya bigla nawala ang takot ko. Ibang iba ito kaysa sa panaginip ko. Mukhang hindi ako iiwan at itatanggi nito. Mukhang totoo ang sinabi niyang hindi siya magbabago pag nakita ako. Hindi ko na tuloy maiwasang ngumiti at ito'y napansin niya....
R: At bakit napapangiti ka dyan? Ano iniisip mo?
L: Wala naman.... masaya lang siguro at nakita na kita..... salamat at hindi ka natakot sa akin....
R: Loko at bakit naman ako matatakot sa iyo? Wait kuhain ko lang iyong Frap natin.....
Iba pala talaga itong si Red sa mga naka meet ko dati. Hindi ako nakaramdam ng kahit konting pagbabago noong nakita niya ako. Parang mas lalo pang naging sweet  ang loko. Ayon at habang nasa counter panay ang tingin at sulyap sa pwesto ko.
R: Vanilla/Strawberry Frap para sa iyo, yan ang favorite mo diba?
L: Salamat....at natandaan mo pa talaga...
R: Lahat ng ayaw at gusto mo , tinandaan ko talaga....mahirap na baka ma minus pogi points ako.
Speaking of pogi points, mas gwapo pa pala sa personal si Red. Akala ko photogenic lang ito o di kaya "thank you camera 360" ang peg. Pero hindi, gwapo talaga siya sa personal. Singkit ang mga mata, medyo matangos ang ilong, maganda ang mga ngipin at astig ang ayos ng buhok na agaw pansin talaga. Lakas maka K-Pop ng dating na bumagay naman sa kanya. Halos magkasing tangkad lang kami mas mapayat lang siya ng konti.
L: Ganda ng buhok ha, mas maganda pala sa personal kaysa sa mga picture mo. Lakas maka KPop, ako na no.1 fan mo ha...
R: Hala....buhok ko talaga ang unang napansin....nahiya tuloy ako....
L: Loko, mapapansin talaga siya kasi ang ganda at bagay na bagay sa iyo. Hindi gaya ng buhok ko lakas maka probinsyano ng dating.
R: Salamat Lanz ko......ay Lanz lang pala kasi hindi ka pa naman sa akin, sana soon....
Kinilig naman ako sa narinig ko, kung pwede lang mag tumbling sabay split dito, ginawa ko na.
R: Lanz, kwento ka naman....
L: Meron pa ba tayong hindi napag uusapan?
R: Hmmmppp..... alam ko na, kwento mo nalang sa akin kung bakit panay ang tanggi mo pag gusto ko makipagkita sa iyo.
L: Ahhh.... ahhhh.... kasi....... sa totoo lang natatakot ako na baka hindi mo ako magustuhan at hindi mo na ako itext gaya ng iba....
R: Kaya pala..... ano kaba kung hindi naman ako interesado sa iyo hindi ito tatagal ng 6 na buwan. Nasabi ko narin naman sa iyo before na hindi importante sa akin masyado ang itsura, basta mukhang tao at malinis oks na. Tsaka nakikita ko naman mga pictures mo sa FB tapos nakakapag Skype naman tayo, kaya never naging issue ang itsura.
L: Salamat......matanong kita, bakit na kasi gusto mo ako agad makita.
R: Simple lang....gusto kita makasama.....gusto kong sumaya.... Gusto ko ma-experience itong nangyayari ngayon......
Hindi ko talaga inaasahang ganito ang mangyayari. Kung alam ko lang, matagal na sana akong pumayag makipagkita.
R: Tara Lanz, lakad lakad tayo.....
Nag ikot ikot muna kami sa mall habang nagkukwentuhan at nagkukulitan. Masayang kasama itong si Red madaldal at palabiro kaya masasabi kong "no dull moments" pag kasama siya. Bigla kong naiisip yayain siyang manood ng sine. Gusto ko lang talaga masulit ang araw at gabi na magkasama kami.
L: Nood tayo movie....gusto mo? ako naman taya....
R: Ok lang ba sa iyo....gabi na matatapos yan at magdidinner pa tayo, baka late kana makauwi at babyahe kapa.
L: Ok lang....ganito nalang....nood tayo movie tapos take out natin iyong food sa movie house nalang tayo kain.....
R: Game....ano panoorin natin?
L: Halika! check natin mga palabas...
R: Ito... Big Hero 6 nalang.....
L: Yan din nasa isip ko....mahilig ako sa animation eh...
Pagkabili ng ticket, dumiretso kami sa isang fastfood chain para bumuli ng pagkain. Para payagang mapasok sa loob ng sinehan, double burger at large fries and coke ang binili namin.
Pumasok na kami sa loob ng sinehan dahil hindi pa naman nagsisimula pagkaupo kami ng maayos, kumain muna kami. Nakakatawa lang ang mga eksena, parehas naman kami ng pagkain pero madalas naming sinusubuan ang isa't isa. Ngayon ko lang ulit ito naranasan kaya sobra sobra ang sayang nararamdaman ko.
Tamang tama lang tapos na kaming kumain ng masimula ang palabas.
Naramdaman kong kinuha ni Red ang kamay ko at hinawakan. Tiningnan ko ang mukha niya at huli nakatingin din ito sa akin. Lumapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.... "Thank You.... Sobrang Saya Ko.....". Halos buong palabas ay magkaholding hands kami. Mga ilang beses din hinalikan ni Red ang mga kamay ko. Sa totoo lang sobrang sweet talaga ni Red, baliw lang ang hindi mahuhulog sa tao na ito.
Natapos ang palabas at gabi na. Medyo nag alala itong si Red at baka mahirapan akong sumakay. Naisipan namin sa Cubao nalang pumunta at sa terminal sumakay. Habang nasa byahe papuntang Cubao....
R: Ma mimiss kita.... sad na ulit ako...
L: Loko, parang hindi naman tayo ulit magkikita...
R: Naka matagalan at magiging busy kana ulit...
L: Edi, gawan ng paraan...sa katapusan, fiesta sa amin....invite kita doon kana matulog....
R: Talaga? Sige, ngayon palang magpapaalam na ako para payagan....
L: Malapit na ako sa terminal, huwag mo na ko ihatid, dumiretso kana para isang pamasahe nalang... text at update mo nalang ako....
R: Ikaw ang mag update at malayo ang byahe mo.....Salamat Lanz at sobrang saya ko...
Bumaba ako sa tapat ng terminal at hindi ko na siya pinababa ng bus. Marami namang masasakyan sa terminal kaya alam ko makakauwi agad ako.....
"Ingat ka Lanz.....Salamat ulit.... Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya...... Ingat sa byahe at please update mo ako.... See u sa fiesta" text ni Red
Nakauwi naman ako ng ligtas sa bhaye, late lang talaga at medyo napagalitan. Pero hindi ko na napansin ang sermon ni Papa at Mama dahil sa umaapaw na ligaya ng makasama ko si Red.
"Red...bahay na ako....Salamat! Grabe ang saya ko....hindi ko ma explain.... kahit napagalitan ako, nakangiti parin ako.... Ikaw ang dahilan nito.... Thank You...." text ko bago tuluyang matulog.
Pagkagising ko agad akong nagtext kay Red...
"Good Morning...musta? Ito may hang over pa ng kasiyahan"
Wala akong natanggap na anumang reply at text mula kay Red buong araw. Naiisip ko busy lang siguro sa school ang tao. Dahil naging busy din  naman ako sa hindi ko namalayang halos dalawang linggo na kaming hindi nagkakausap at nagkakatext ni Red. Sinubukan ko siyang tawagan para i-remind iyong fiesta sa darating na linggo pero "out of coverage area" palagi siya.
Ito na naman at kinakabahan ako. Mukhang magkakatotoo ang mga hinala ko. Mukhang iiwan at nakalimutan na nga niya ako. Sinilip ko ang Facebook niya at friend parin  naman kami pero nagtataka lang ako at hindi siya nakakapag update ng status niya mula noong magkita kami.
Nasaktan ako sa mga nangyari pero parang nasanay narin sa paulit ulit na ganito eksena. Akala ko magiging masaya na ako pero 1 day lang pala valid ang kaligayahan na naramdaman ko. Pero kailangan ng mag move on at ituloy ang buhay. Huwag lang sanang pahintulutan ng langit na magkita ulit kami at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Isang araw bago ang fiesta sa amin, inutusan akong lumuwas ng Manila para bumili ng ilang gagamitin sa palaro ng barangay. Nasa isang mall ako, naglalakad ng may mapansin ako.
Isang lalaking naka suot ng pulang T-shirt, nakatayo sa tapat ng Jolibee. Nakayuko ito habang abala sa kanyang cellphone. Hindi ako pwedeng magkamali, si Red na nga iyon. Hindi ko alam ang gagawin pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili na lapitan ito.  Dahan dahan ko siyang pinuntahan at bigla nalang akong tumayo sa kanyang harapan at sinabing.....
"Hi Red....."
Pag angat ng kanyang ulo, agad kong makita ang mukha ni Red. Napansin ko na parang nagulat siya nang makita  ako. Hindi agad ito nakapagsalita at parang nawala bigla ang sigla't saya sa mukha. Nagulat nalang ako sa sumunod na narinig.
"Sorry ha... Red nga ang pangalan ko pero hindi kita kilala.... "
WAKAS........................

No comments:

Post a Comment